Source: (PEP.PH) By Archie de Calma
Simula itong Linggo, January 31, ay mapapanood na every Sunday ang hip-hop dancers sa ASAP XV. In-announce ang pagiging exclusive ABS-CBN artists nila noong Biyernes, January 29, at dalawang buwang mamamalagi ang grupo dito sa Pilipinas.
Napagdesisyonan ng Jabbawockeez, o JBWKZ for short, na gawing springboard ang Pilipinas para sa professional dance career nila sa Asia. Ito ay bunga ng matinding pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan, at kung mananatiling ganito raw ang welcome sa kanila, hindi sila mangingiming ipagpatuloy at bigyan ng kasiyahan pa ang maraming Pinoy na humahanga at sumusubaybay sa kanila.
PINOYS AT HEART. Ang mga miyembro ng US group ay sina Joe "EmaJOEnation/Punkee" Larot, Chris "Cristyle" Gatdula, Ben "B-Tek" Chung, Phil "SB/Swaggerboy" Tayag, Rynan Shawn "Kid Rainen" Paguio, Kevin "Keibee/KB" Brewer, at Jeff "Phi" Nguyen.
Apat sa kanila ay may dugong Pilipino—sina Chris, Rynan, Phil at Joe—at proud sila dito. Si Kevin naman at ang DJ nilang si Nick Ngo ay kasal sa Pilipina. Lahat sila ay nabighani sa unang pagdalaw nila sa Pilipinas. Napaka-overwhelming daw ang support ng mga Pinoy sa kanila.
Sa naturang press conference ay napag-alaman na galing ang pangalan nila sa Jabberwocky, isang character na hugis dragon mula sa Through the Looking-Glass, and What Alice Found There, isang children's book na sinulat ni Lewis Carroll, ang awtor din ng mas kilalang Alice in Wonderland.
INSPIRATION. Nais daw ng JBWKZ na makapag-inspire sa maraming kabataan. Gusto nilang ipakita na ginagawa nila ang lahat para maabot ang mga pangarap nila at mahikayat ang mga tagahanga nila to do the same.
Tinanong sila ng press kung saan nila hinuhugot ang kanilang inspirasyon. Ang sagot nila, "From life, experiences, tribulations. Some were taken from fun, death in the family, even from TV cartoons. Yeah, and we basically get inspiration from each other."
Pamilya ang turingan nila sa isa't isa. Aniya, "We argue like brothers, but at the end of the day, we see to it that we patch things up. Wow, we are so close! Just believe that when one wants to jump from the bridge, others will most likely follow."
Ang producer ng America's Best Dance Crew ay si Randy Jackson, na isa rin sa judges ng American Idol. Puring-puri daw si Randy sa grupo kahit noong nagko-compete pa lang ito."
He brings out the best in each one of us," sabi ng JBWKZ. "Up to now, he gives us close attention. He's so down to earth that he always wishes us good luck."
Sa Linggong ito, January 31, iwe-welcome ang Jabbawockeez sa isang special presentation ng ASAP XV bilang exclusive Kapamilya stars.
You might also find "My Weekend Journal" interesting. Please click to view.
0 comments:
Post a Comment