Source: Rose Garcia(pep.ph) You might also find "My Weekend Journal" interesting. Please click to view.
Gaya ng napabalita, totoo nga na magkasamang namili sa S&R sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ang dalawa'y umamin during the press conference for their upcoming film under Star Cinema, Paano Na Kaya?
Nakangiting sabi ni Kim, "Ano, sa S&R yun...nag-grocery kami, kasi tapos na ang shooting namin."
Si Gerald ang nagpatuloy ng sinasabi ni Kim at nag-explain na nag-grocery raw sila after shooting at sinamahan siya ni Kim na mamili ng Christmas decor, gaya ng Christmas tree.
Pilit na rin silang pinaamin ng entertainment press kung ano na nga ba ang totoong estado ng kanilang friendship.
Ayon kay Gerald, four years na raw silang magkasama ni Kim at tapos na sila sa friendship.
Sagot naman ni Kim, "Ako, masaya naman ako kapag kasama ko si Gerald. Parang palagi akong safe kapag nandiyan siya. Palagi niya akong pinapatawa. So, parang isa siya sa taong nagpapasaya sa akin ngayon at masaya kami kapag magkasama."
Pero sila na nga ba?
"Sa amin na lang yun, napag-usapan na namin yun," natatawang sabi ni Kim.
Sinabi rin ni Gerald na may M.U. o mutual understanding sila, ibig sabihin ba nito, hindi na puwedeng magpaligaw ang leading lady sa iba?
"Wala namang nanliligaw sa akin," nangingiting sabi ni Kim. "Actually po, napag-usapan po namin na maghihintay na lang daw po siya."
Sa apat na taon na magkapareha sila, may mga bagay pa ba silang nadi-discover sa isa't isa?
"Ako, siyempre, iba-iba naman ang tao. Si Gerald, yung kakulitan niya, hindi nagbabago. Parang ganun pa rin siya sa akin. Katulad kanina, yung sinasabi ni Robi [Domingo], yung ginagawa ni Gerald sa akin.
"Kanina kasi inaantok ako, segue kami galing taping. Parang nagli-lip-synch siya. Parang nagising ako. Tapos, tumatawa nang tumawa si Robi," ang kuwento ng dalaga.
Kapag galit sila sa isa't isa, ano ang ginagawa nila?
"Hindi naman kami nagkakagalit. Hindi lang kami nag-uusap. Parang medyo araw-araw na kaming nagkikita. Hindi na lang kami nag-uusap. Hindi na lang kami nagpapansinan. Parang kapag hapon, nagpapansinan na ulit kami."
Tinanong din si Kim kung guwapo ba para sa kanya si Gerald?
"Oo naman! Siyempre, ang dami ngang nagkakagusto sa kanya, e," natatawa pero nahihiyang sagot niya.
Ano'ng reaction niya pag alam niyang maraming nagkakagusto?
"Wala...siyempre, wala na tayong magagawa. Ganyan na talaga ang hitsura ni Gerald." Sabay biro niya ng, "Alangan naman na sabuyan ko siya ng muriatic acid para pumangit siya, " natatawa niyang sabi.
Nagseselos ba siya?
"Kapag sinabuyan ko na siya ng muriatic, nagseselos na ko, hindi...joke!" bawi rin niya sa sariling biro.
Friday, January 22, 2010
Kim Chiu says she has no suitors, but a guy promised to wait for her
Posted by Wendell B. at 7:37 AM
Labels: Entertainment, Showbiz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment